Monthly Archives: October 2016

pag-ukit

iniikot at ibinabaon ng kanyang mga salita at kilos
(o mas mainam,
ang kawalan nito)
ang patalim na matagal nang nakabaon
sa kalooban.
dumaranak ang dugo ko ngunit hindi
hindi naman
hindi
hindi talaga;
hindi naman niya napa-
napapansin o
nakikita-
patuloy lang nang patuloy nang patuloy
sa pag-ukit, sa pagpapalalim ng sugat.
hindi pa ako bumabagsak ngunit
sa malayo na ang kanyang tingin.

Advertisements